Huwebes, Oktubre 17, 2019
Bawat oras
Napakaganda ng aming iskedyul ngayon. Kahit sa hapon ang amin pasukan sa paaralan ay gumigising ako ng maaga upang magluto para sakin mga kapatid na maaga ang pasukan. Nagluluto ako ng maaga. Ginigising ko sila upang ihanda ang kanilang sarili para sa pasukan. Pagkatapos ko ihanda ng makakain at mga uniform nila ay inahahanda ko ang kanilang mga gamit sa paaralan. Pagtapos ko gawin yun ay pinaliliguan ko ang aming tatlong aso at pinakakain.Sa bawat pinuto ay may ginagawa ako gawain tulad ng panghuhugas ng pingan at paglilinis sa buong bahay. Wala ako sinayang na oras dahil para sakin bawat oras ay dapat pahalagahan.
Basura ay pulutin
Basura ang pangunahin problema sa paaralan. Dahil may ibang mag-aaral ang hindi marunong tumapon ng basura sa maayos na "trash bag" kaya marami tayo makikita sa paaralan na basura sa daan o sa ilalim ng upuan. Kahit na sa paglalagyan ng hindi nabubulok at nabubulok hindi pa malagyan sa tama. Sa paaralan maraming gumagamit ng plastik,papel at bottle na maari pang marecycle upang magamit pa ulit ng mag-aaral.Isa sa mga problema sa paaralan ay hindi marunong pumulot ng basura kahit nandyan lang sa tabi lang hindi pa ma pulot. May kasabihin nga na dapat "iniative" kahit hindi sayo ang basura ay dapat pa rin pulotin. Ang kasabihan na ito ay naparealize sakin na kahit hindi iyong ang basura ay dapat pulutin parin.
Bawat patak ng tubig ay pahalagahan
Tubig ang palagi ginagamit natin sa pangaraw-araw na gawain.Ito ang pinakamahalaga pagkukunan bukod sa pagkain at kagamitan. Tuwing gagamit akong tubig hindi ako matipid. Marami ako ginagamit hindi ako gumagamit ng balde para maka tipid ng tubig . Sa tuwing ginagawa ko yun pinagsasabihan ako ng akin pinakamamahal na ina "na bawat patak ng tubig ay pahalagahan , dahil marami nangangailangan ng tubig tapos sasayang mo lng ang tubig matutoo ka magtipid" Pero hindi ako nakikinig palagi ko yun ginagawa hanggan sa nagkaproblema ang tubig sa amin minsan lang "agas" at dun ko lang na realized na talaga sobrang halaga ng tubig sa isa tao. Kahit sa maliit na tubig amin na napundo ay tinitipid namin para makakasya sa amin pangaraw-araw na gawain o pangangailang.
Part time
Ang paksa ito ay pagtratrabaho ng mag-aaral sa senior high. Mahalaga ito pansin upang malaman ang natin pananaw ng mag-aaral hindi lang mag-aaral pati rin ang mga magulang kung sang-ayon ba sila o hindi.Ang pagtratrabaho ng isang mag-aaral ay nakakatulong upang malaman nila ang tamang gawain.
Ayon kay Herbert Marsh at Sabina kleitman habang nagtratrabaho ang mga mag-aaral ay hindi maiiwas na aapekto ang mark. Ayon kay Ang pagtrabaho ng mga Senior High School na mag-aaral ay nakadepende sa kanilang estado sa buhay kaya kung makakaya ng kanilang magulang na suportahan ang kanilang pag-aaral ng kanilang anak ay hindi na ito kailangang hahanap pa ng trabaho para kumita ng pera (H.A. Carcellar). Ayon rin kay Renae Hintze nakakadagdag ito ng stress sa mag-aaral. Marami ang pressure ang nararamdaman ng estudyante sa pag-aaral at madadagdagan pa ito ng dahil sa part time job
Ayon sa EcampusTour ang pagkakaroon ng part time job ay nakakatulong sa mag-aaral na magkaroon at matutong tanggapin ang mga responsibildad. Dahil mas mabuti na kahit bata ka palang ay handa kana. Ang mga mag-aaral sa Senior High School ay kailangang magtrabaho upang masanay sila at madisiplina. Kung sila ay magtatrabaho may mga nagong kaalaman silang matutunan o makukuha. Ito ay nagsisilbing gabay nila para sa pagdating ng panahon na kailangan na nilang magtrabaho ng walong oras ay sanay na sila hindi na sila manibago sa mga gawain. Isa din itong paraan upang madisiplina nila ang kanilang sarili.
Kailangang ng magkaroon ng part time job sa senior high upang ang mag-aaral ay maging handa at magkaroon na kaalaman sa pagtratrabaho. Sa pamagitan nito ay magiging responsable ang mga mag-aaral.
Martes, Oktubre 15, 2019
Plastik ay ipagbawal
Ang paggamit ng plastik bag ay nakakatulong sa mga mamili. Pero ang paggamit ng plastik bag ay nakakasama din dahil maaari ito makakasira sa ating ina kalikasan. Ang paksa ay mahalaga pagtuunan ng pansin dahil ito ang problema aito atin bansa.
Ayon kay Lex Cruz (2012) Hindi problema ang paggamit ng plastik kundi ang tamang pagdispose nito.Disciplina ng mga pilipino ang dapat ipairal dito na huwag basta basta na lamang plastik materials na ito. Kaya parasa akin ang hindi paggamit ng mga plastik ay hindi solusyon sa hindi pagbaha. Di ba halos lahat naman ay packinging materials ay puro plastik di sana huwag na rin gumamitng plastik sa mga packaging materials kung iyong ang gusto nilang ipatupad.
Ayon kay Manny Verar Jr(2012) Dapat tuluuyan ng ipagbawal ang pagbebenta ng plastik bags sa mga pamilihan. Alinman magdala ng sariling bag ang mamimili or mag provide nalang ng paper bags ang tindahan.Walang silbi din kasi kung,ibebenta pa rin nila ang plastik bags. Marami sa kababayannatin ang makakabayad pariin ng 2.00 na benta nila. Ang punto ay dapat mawala na ang mga plastik bag nayan para menos na ang pagbabara ng mga drainage natin.
Mahalaga ito pansin upang magagawa natin ang solusyon sa paggamit ng plastik bags
Lunes, Oktubre 14, 2019
PAGBABAWAL NG TAKDANG-ARALIN
Ang paksa na ito ay tungkol sa pagbibigay ng takdang -aralin sa mga mag-aaral. Bilang mag-aaral hindi natin maiwasan ng bibigyan tayo ng takdang-aralin ng ating guro. Nagbibigyan ng takdang-aralin ang ating guro upang malaman nila may natutunan ba tayo sa kanilang tinatalakay. Mahalaga pagtuunan ng pansin ito upang malaman natin ang iba't-ibang pananaw ng mga mag-aaral kung sang-ayon ba sila o hindi.
Ayon kay Calos Hernandez(2019).Ang takdang-aralin ay hindi kailang, dahil ang tunay na kaalaman ay nasa mga bata kapag naisagawa na nila yung tinuturo.Huwad na guro ang nagtuturo ng hindi niya isinasagawa.Ayon kay Deyto Deyto (2019) Sang-ayon siya basta ''block" all social media sa phone at pc,no chat time,no watching movies at walang gala basta tuwing linggo ay para sa pamily.
Ayon sa DepEd, ang objective sa pagbibigay ng takdang aralin ay para sa karagdagang kaalaman sa mga mag-aaral at mapunan ang mga araw na walang pasok.Sa katunayan ay may umiiral ng polisiya ang DepEd simula taong 2010 na hindi na magbibigay ng homework sa mga public school sa elementary students. Ayon kay Jerico Evangelista Caluyo (2019)Ang paggawa ng ating takdang aralin ay di dapat na ipagbawal sa atin. Dahil susi to sa ating pagtuto, pagkatuto tungo sa pagunlad.Ayon kay Laiza Suarez(2019)Ang takdang -aralin ang paraan para mapalawak ang kaalaman ng bata kahit nasa bahay ito, hindi sapat na dahilan ang pangtangal para sa pamily'' bounding'' di hamak na maliit na bagay lamang yun at pag tapos nun maari mo nang gawin lahat ng gusto mo,assignment ay bahagi ng buhay istudyante,dito din makikita kong may natutunan ba ang bata.
Sa pamangitan ng takdang-aralin ay ''recall'' natin ang mga tinatalakay ng guro.Dahil sa takdang-aralin ay mas minalawak ang atin kaisipang at madagdagan ang ating kalamanan.Sa pagbibigay nang takdang-aralin sa mga mag-aaral ay isang panibagong kalaman ang hatid nito.
Huwebes, Oktubre 10, 2019
Tanawin
Daan palang mamangha ka na pano na kaya kung makikita muna ang ang boung city ng cebu.Unang pala punta ko dito ay namangha ako sa daan na sobrang nakakahilo tingnan.Pagtingin ko pala sa daan nasasabi ko sa sarili kung kaya ko ba ito napagpasiya ko na kakayanin para makakita lang ng buong city sa cebu. Ang lugar na amin pupuntahan ay hindi gaanun dinadayo.
Habang naglalakad ay kumain kami at naguusap na kahit ano paksa para naman hindi kami makaramdam ng pagod. Ineenjoy namin ang pagkain at paguusap .
Dahil na sa naeenjoy namin pag-uusap hindi namin namalayan na sa wakas ay dumating na kami sa aming patutunguhan. Nabighani ako sa sobrang ganda tingna Mga ulap kay ganda tingan , Ang mga simoy ng hangin na kay sarap damhin. Mga puno nagsasayaw dahil sa paghampas ng hangin kay sarap pakinggan sa pandinig. Para gusto ko na mamalagi doon dahil sa nakakrelaks sa pakiramdam.
.
Napakuha ang ng larawan kasama ang hipag ko para naman may ``remembrance'' kami na kapunta kami dito. Ito ang kauna-unang paglalakbay ko kasama ang akin hipag.
Napakuha ako ng isang larawan para sa natitirang oras na pamamalagi ko doon. Kahit na maliit na oras ang aming pinalagi doon ay naenjoy naman namin. Kahit malayo ang byahe ay sulit naman dahil sa ganda ng akin nakikita.
Realisasyon : Kahit ano lugar man ang inyong mapumuntahan sikat man o hindi ay dapat ``Appreciate'' natin ang tunay na ganda ng inang kalikasan.
Martes, Oktubre 8, 2019
kagandang ating pahalagahan
Unang rinig ko pala sa pangalan na ito ay kawili - wili talaga makakapunta ka dahil sa mga inyong naririnig sa iba tungkol dito. Nang mapumuntahan ko ito namangha ako sa sobrang lawak ng ispasyo marami kang makikita ibat - ibang halaman na karaniwan makikita sa ating paligid.
Unang kung nakita ang memory lane mamangha ka talaga sa desenyo na inyong makikita dito. Pagpasok mo pala ay talaga mawawala ang inyong pagod na inyong dinadala. Unang apak ko palang ay talaga nawawala ang akin hinanain.
Pagkatapos ko sa memory lane ay agad ako pumunta sa playgroung ng plaza.Nakikita ko marami bata ang naglalaro dito na sobrang saya.
Pagpakatapos ko sa playground ay pumunta ako dito para magpahinga. Dito ang nagpalipas ng isa oras dahil nakakagaan sa pakiramdam ang katahimikan dito at ang simoy ng hangin dito.
Pagkatapos ng isang oras na pahinga ay pumunta ako sa El Fuerte de San Pedro upang mabasa ang nangyayari dito sa cebu noon. Marami ako nalalaman tungkol sa nagaganap noon talaga mamangha ka sa mga ito.
Realisasyon ; Hindi nakailang pumunta pa sa malayong upang makikita ng magaganda tanawin. Sapat na dito upang makikita ka na maganda tanawin hindi lang tanawin malalaman mo din ang kaganapan noon.
Huwebes, Setyembre 12, 2019
ANG PAGBABAGO
Mga estudyante na hindi pa na impluwensya sa ating makabagong teknolohiya. Makikita natin kung gaano sila ka aktibo sa paaralan. Makikita natin maraming pang estudyante ang mas pinahalaga ang kanilang pag - aaral.
Pati din sa pagkain sa ngayong alam naman natin na sa araw- araw na lumipas ay ma impluwesyahan sila sa makabagong teknolohiya hindi pa sa ngayon
Unti- unting maimpluwesyahan ang mga estudyante, tulad nalang nito sa simple hawak ng gadget habang kumakain ka ay maaari kang magbago. Dahil maaari kang masanay na may hawak kang gadget. Hindi ka makakain ng tama dahil naaaliw ka sa gadget.
Hindi lang yan , pwede din ito maapektohan ang inyong pag-aaral. Imbes gumawa ng takdang - araling ang ginagawa ay naglaro ng gadget.
Mas pinabilis ang mga gawain ngayon dahil sa ating makabagong teknolohiya. Tulad ng pagkagawa ng paguulat o paggawa ng pananaliksik hindi mo kailangang isulat sa papel maaari mo nang gamit ito sa ating makabagong teknolohiya.
Miyerkules, Setyembre 11, 2019
"magkasama natin kakamitin ang tagumpay"
Marami man tayong pinagkaiba pero pinag - kaisa tayo nang may kapal upang patatagin ang isat isa . Pinagtagpo tayo upang kompletohin ang isang matatag na pag kakaibigan .hindi man ito tugma sa gusto nang isa gagawa pa rin nang paraan upang magustohan ito nang lahat.
Kayo lang ay sapat na, magdadamayan sa kahit ano mang problema sasabayan ka sa mga kalukuhan, gagabayan sa mga problema. Papayuhan kahit hindi magkatugma, sa asaran ay kasama ka, sa bawat problema at iyakan ay ikaw ang kadamay. Mga problema papalit ay saya pag ikaw na ang magpapayo, payong may kasamang kalukuhan pero meron kang makukuha aral.
Magkasama sa lahat ng bagay , nagpapayuhan sa isa't isa. Magkahawak kamay at sabay natin aabotin ang ating pangarap na magkasama.
Magkaiba man ang ating pananaw pero isa pa rin ang ating ninanais. Mga pangarap na magkaiba pero sabay natin aabotin ng magkasama. Mga hakbang kung saan tayo ay magkasama tungo sa tagumpay na ating inaasam.
Magkasama sa lahat ng bagay , nagpapayuhan sa isa't isa. Magkahawak kamay at sabay natin aabotin ang ating pangarap na magkasama.
Magkaiba man ang ating pananaw pero isa pa rin ang ating ninanais. Mga pangarap na magkaiba pero sabay natin aabotin ng magkasama. Mga hakbang kung saan tayo ay magkasama tungo sa tagumpay na ating inaasam.
Pangarap
Dito mo matutunan ang pagiging masipag , malaya at mangarap na mataas. Dito mo matutunan makihalubilo sa kapwa mong estudyantes.
Mataas o maliit man ang pangarap ang mahalaga ay payag ka gawain ang lahat para sa pangarap na inyong inaasam.
Dito mo makukuha ang pagiging masipag , palakaibigan at pagiging makatotoo sa sarili.Dito ko nahanap ang totoo ako na walang kapalit. Dito mo matutunan pahalagahan ang pagkakaibigan.
Ang mga tao ay may iba't ibang kulay na maaari natin mahalintulad sa tinta. May iba't ibang mithiin na gustong marating sa buhay. Iba't ibang mang gustong gawain ang mahalaga ay makamit mo ang inyong mithiin.
Kahit ano mang ang hahadlang sa iyong mithiin patuloy ka rin lalaban para sa pangarap na inaasam mong makamtan sa buhay.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)